Memento PIQC — FOR ALL PIQC BATCHMATES, STUDENTS, FRIENDS, AND EVERYONE ELSE
December 19th, 2007 by erictansimFirst of all, I want to dedicate this article to all my Phoenix
batchmates as well as my friends, fellow classmates, teachers, and everyone
else in PIQC.
Alam nating lahat na ito na ang ikalawa sa mga huling taon
natin sa PIQC at sandali nalang, aalis na rin tayo. Well, ang bilis talaga ng
oras! Hahaha! Parang kelan lang, nagiisip pa tayo kung sino-sino ang mga
magiging kaklase natin sa pasukan, tapos parang isang kisap mata, BAM! Malapit
na naman matapos ang isang taon! Hahaha! Pero siyempre, iba para sa akin(o sa
iba sa atin) ang pagtatapos ng taong ito. Kasi parang bilang na halos ang mga
oras natin na magkasama. Tapos sandali lang, maghihiwalay na rin tayo. Hmm…
Siguro nga, masyadong maaga para sabihin ko iyon. Pero di ko talaga mapigilan
ang sarili ko kasi gaya nga ng sabi ko, ang bilis talaga ng oras! Hahaha!!
Well, sinulat ko lang naman ‘to dahil gusto ko lang ishare ang mga naiisip at
naaalala kong mga experiences sa school natin. Masasabi kong hindi lang basta
basta second home ang PIQC sa akin pero special na rin ito sa akin. Kasi dito
ako unang nakisama sa di ko kilala, nagkabarkada, nagkaroon ng ikalawang mga
magulang, natutong makisama sa di kanais-nais na tao, kumilala ng GENUINE at
OROCAN na kaibigan, magkacrush, magpasaya ng mga tao sa mga programs, at marami
pang FIRST TIME na maaaraing di ko maranasan sa iba. Idagdag mo na rin diyan
ang pag-uwi ng 7 at pagpasok mula Lunes hanggang Linggo tuwing may project.
Well, let me continue this article by citing some memories from the past!
Memories during Nursery and Kinder years…
Sino bang makakalimot sa mga “Star” na tinatatak
sa kamay natin?? Haha! Tuwing uwian talagang excited ako nun puntahan mom ko
para ipakita yun noh! Well, its a sign na I’m doing well at school kaya proud
na proud ako dun. Well, everyone else did! Haha! Hmm.. Isa pa yung playground
natin! Kasi may certain time na makakalaro sa playground ang bawat section.
Well.. Kumbaga sa Friday, yun talaga ang pinakaaabangan ko. Haha! Naalala ko pa
yung castle dun, talagang pinipilit ko pa nung ipagkasya ang sarili sa may
tower tapos yung slide na inakyatan namin! Hahaha! Tapos tuwing recess time,
talagang binibilisan ko nun kumain para maka take-two ako!(Sarap ng sopas!) Isa
pa yung play time natin tuwing umaga, as in talagang inaagahan ko ang pagpasok
para makauna sa mga laruan! Tapos bawal rin pala magdala noon ng pencil
sharpener! Haha! Dami rin bese nachang akin nun, kasi gusto nila sa kanila kami
magpatasa ng lapis. Haha! Well… Etong huling imemention ko e history na sa
ating lahat at marahil parte na rin ng PIQC days natin ever since… Yeah! It’s
Aling Betty!! Hahaha! Ang ultimate all-in-one sari-sari store nating lahat!
Mapa long pad, ballpens, sharpener, marker, chichiria, softdrinks, tape,
illustration board, battery, o kahit ano pa man yan, 90% meron si Aling Betty
niyan! Haha! Laging puno iyan lalo na sa uwian at sa umaga. Kasi dito
nakakabili ng gamit ang mga di nakabili ng gamit nung weekend kung may project
o kaya yung mga di nakagawa sa bahay at sa classroom na ginagawa(Cramming!!!).
Well, tatapusin ko na ang sa Kinder years, sure akong marami pa yan, haha, pero
hanggang dito nalang muna tayo ngayon! Sa part 2 naman yung Elementary at High School!!
Please leave a comment after reading this! I really want to add more about this stuff and talk about it!! Masaya naman di ba?? Thanks!